Trillanes isasalang ni Go sa Senate investigation kaugnay sa Bikoy video

File photo

Balak paimbestigahan ni Senator-elect Christopher “Bong” Go si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa pagkakasangkot nito sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Ito ay makaraang aminin ni Peter Joemel Advincula, alias “Bikoy” na si Trillanes ang utak ng “Ang totoong narcolist” video.

Sa isang panayam ay sinabi ni Go na hintayin na lamang ni Trillanes ang subpoena para sa kanya.

Sa unang araw ng Hulyo magsisimula ang termino ni Go bilang senador.

Magugunitang ipinatawag ni Trillanes si Go sa isang senate investigation kaugnay sa umano’y pakikialam ng dating presidential special assistant sa frigate deal ng Philippine Navy.

Sinabi pa ni Go na noon pa man ay alam na ng lahat ang plano ni Trillanes laban sa administrasyong Duterte.

Gayuman ay nagawa pa ring pasalamatan ni Go si Trillanes dahil sa pamamagitan ng imbestigasyon sa Senado ay mas nakilala siya ng publiko at nanalo sa nakaraang halalan.

Read more...