Mariing itinanggi ni Sen. Antonio Trillanes IV ang akusasyon ni Peter Joemel Advincula, alias “Bikoy” na siya ang utak ng gawa-gawang video na nag-uugnay sa pamilya ng pangulo sa iligal na droga.
“I deny the allegations made by this Bikoy character. This could be another ploy of the administration to harass the opposition,” ayon sa inilabas na pahayag ni Trillanes sa mga miyembro ng media.
“For now, I will be consulting with my lawyers so that we could also file the appropriate charges against him,” dagdag pa ng mambabatas.
Bukod kay Trillanes, isinangkot rin ni Bikoy ang mga miyembro ng Liberal Party kasama sina Vice President Leni Robredo, Sen. Risa Hontiveros at Leila De Lima sa planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.
Sa kanyang pagharap sa media makaraang sumuko sa Philippine National Police (PNP), idinetalye ni Bikoy kung paano pinamunuan ni Trillanes ang pagpa-plano na mapatalsik sa pwesto ang pangulo.
Sakaling mawala sa Malacañang si Duterte, sinabi ni Bikoy na kukuning vice president ni Robredo si Trillanes ayon na rin sa kanilang inilatag na plano.
Target umanong gawin ang pagpapabagsak sa administrasyon bago matapos ang termino ni Trillanes sa June 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.