45 menor de edad na lumabag sa curfew ni-rescue sa Makati
Aabot sa nasa 45 menor de edad na lumabag sa curfew ordinance ang ni-rescue ng Makati City Police Station mula sa apat na barangay sa lungsod.
Ang mga ni-rescue na kabataan ay mula sa Olympia, Singkamas, Rizal, Cembo, at West Rembo ay pawang dinala muna sa mga barangay bago inihatid sa kani-kanilang mga bahay.
Ayon sa Makati City Ordinance No. 2017-098 (The Child Protection Ordinance of the City of Makati), bawal lumabas ng kalsada o makita sa pampublikong lugar ang mga kabataan edad 17 pababa mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.
Bukod sa pagpapatupad ng mga ordinansa tulad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, pagsusugal, at paninigarilyo, ay tiniyak ng Makati Police na pinapangalagaan din ang kapakanan ng mga menor de edad sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.