Ama ni PACC Commissioner Belgica binigyan ng pwesto ni Pangulong Duterte sa gobyerno

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ama ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner (PACC) Greco Belgica na si Grepor “Butch” Belgica bilang Presidential Adviser for Religious Affairs na nasa ilalim ng Office of the President.

Base sa appointment paper ni Belgica na nilagdaan ng pangulo noong May 21, tatanggap lang si Belgica ng pisong sweldo kada taon.

Bago naging Evangelist, nakilala ng taong bayan si Belgica bilang isa sa mga pinakabatang gang leaders sa Pilipinas.

Nagsilbi ring konsehal ng Maynila si Belgica noong 1994 hanggang 1996 at tumakbong Vice Mayor noong 2007 sa Maynila sa ilalim ng Partido Liberal.

Read more...