Alyas Bikoy ipinagpapasa-Diyos na lang ni Honeylet Avanceña

By Chona Yu May 23, 2019 - 12:25 PM

Si Lord na ang bahala sa kanya.

Ito ang maiksing tugon ni Honeylet Avanceña matapos humingi ng tawad si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy nang idawit sa ang kanyang pamilya sa video na “Ang Totoong Narcolist”.

Bukod kay Honeylet, idinawit din sa operasyon ng illegal na droga ang anak nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica o Kitty.

Samantala, sinabi naman ni Davao City Congressman-Elect Paolo Duterte na kailangan nang magkaroon ngayon ng pormal na imbestigasyon sa panibagong rebelasyon ni Bikoy.

Ayon kay Paolo Duterte sa umpisa pa lamang, walang duda na si Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng videos.

Pawang kasinungalingan lamang aniya ang mga inilahad ni Bikoy.

Base sa video ni Bikoy, dawit umano sa operasyon ng illegal na droga ang partner ni Pangulong Duterte na si Honeylet, mga anak na sina Kitty, Paolo Duterte at maging si dating Special Sssistant to the President Christopher Bong Go.

TAGS: Ang Totoong Narco list, bikoy, Peter Advincula, Ang Totoong Narco list, bikoy, Peter Advincula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.