Aiko Melendez umalis sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2019 - 11:29 AM

Matapos ang siyam na taon, iniwan na ni Aiko Melendez ang ABS-CBN at lumipat ito sa kalabang network na GMA 7.

Nagpasalamat si Aiko sa ABS-CBN na naging tahanan niya ng halos isang dekada.

Aminado ang aktres na napalaking tulong ng network para mag-grow siya bilang aktres at hindi niya mararating ang lahat kung hindi dahil sa ABS-CBN.

Ayon sa aktres, maayos ang pag-alis niya sa network at naging maganda ang komunikasyon nya sa mga boss.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Aiko sa bagong blessing na ipinagkaloob sa knaiya ng GMA-7.

Inaasahang mapapanood si Aiko sa afternoon soap ng Kapuso na “Prima Donnas”.

TAGS: ABS-CBN, Aiko Melendez, GMA 7, Radyo Inquirer, ABS-CBN, Aiko Melendez, GMA 7, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.