Labingsiyam katao na ang namamatay samantalang nasa 172 pa ang naospital sa northeast Cambodia makaraang makainom ng ‘rice wine’ na may mataas na lebel ng alcohol na ikinalason ng mga ito.
Ayon sa health ministry ng Cambodia, simula pa noong November 19, nakatatanggap na sila ng mga ulat na may ilang nagkakasakit na sa Kratie province matapos makainom ng alak na sobrang taas ng methanol content ngunit nito lamang tumaas ang bilang ng nasawi sanhi nito.
Nadiskubre sa pagsusuri na nakainom ang mga biktima ng ‘rice wine’ na nagtataglay ng 12% methanol content.
Ang normal na taglay lamang na methanol dapat ng ordinaryong ‘rice wine’ ay 0.15 percent.
Karamihan sa mga nasawi at nagkasakit ay karaniwang nagreklamo ngpagkahilo at pagsusuka.
Dahil dito, agad na ipinag-utos ng Ministry of Health ng Cambodia na ihinto muna pansamantala ng mga residente ang pag-inom ng ‘rice o herbal wine’ na hindi dumaan sa kaukulang inspeksyon at quality clearance.
Ito’y hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa mga kaso.
Nakumpirma rin ng mga otoridad sa Cambodia na ang pag-inom ng alak na may mataas na methanol ang ikinasawi ng anim katao na naunang napaulat na namatay sanhi ng pagkain ng karne ng aso kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.