WATCH: Bong Go walang dragon tattoo sa likod; alyas Bikoy aminadong hindi niya rin alam kung totoong may tattoo si Paolo Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2019 - 10:44 AM

Radyo Inquirer file photo

Hindi totoong may dragon tattoo sa likod si Senator-elect Bong Go na dating malapit na aide ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang paglantad sinabi ni Peter Advincula na gawa-gawa lamang ng kanilang grupo ang tungkol sa dragon tattoo ni Go.

Aminado rin si Advincula na hindi niya nakita kung may dragon tattoo din si Presidential Son Paolo Duterte.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin si Advincula sa pamilya ni Pangulong Duterte na idinawit sa serye ng “Ang Totoong Narcolist”.

Labis-labis din ang kaniyang paghingi ng tawag kay Kitty Duterte na napasama din sa mga video.

Nais din ni Advincula na balang-araw ay magkaroon siya ng pagkakataon na personal na makahingi ng atawad kaky Pangulong Duterte at sa kaniyang pamilya.

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, Alyas Bikoy, Peter Advincula, “Ang Totoong Narcolist”, Alyas Bikoy, Peter Advincula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.