Mga labi ng nasawing Pinay sa Kuwait iuuwi na sa bansa ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2019 - 08:14 AM

Pauwi na ngayong araw, Huwebes (May 23) ang mga labi ng Pinay na si Constancia Lago Dayag.

Sya ang household service worker na isinugod sa Al Sabah Hospital sa Kuwait noong May 14 pero idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, pinagbigyan ng Ministry of Foreign affairs ng Kuwait na agad maiuwi ang mga labi ng Pinay.

Sa inisyal na findings ay nakitaan ng mga pasa sa katawan si Dayag at may indikasyon na biktima ito ng sexual abuse.

Pero sa findings ng Kuwait forensic department ay natural cause umano ang sanhi ng pagkamatay ni Dayag.

Nais ng pamilya ng Pinay na magsagawa ng 2nd autopsy ang NBI sa kaniyang mga labi.

TAGS: Filipina, kuwait, ofw, Radyo Inquirer, Filipina, kuwait, ofw, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.