Peter Advincula alyas ‘Bikoy’ hawak na ng PNP
Sumuko sa mga otoridad si alyas ‘Bikoy’ – ang lalaking nasa serye ng viral videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng ilegal na droga.
Si Peter Advincula ay sumuko sa Northern Police District, kahapon araw ng Miyerkules (May 22) at agad dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame.
Bago ito ay lumantad si Advincula at inaming siya si ‘Bikoy’ na narrator sa “Ang Totoong Narcolist” videos.
Sa nasabing viral videos ay idinadawit sa ilegal na droga sina Presidential Son Paolo Duterte, manugang ng pangulo na si Manases Carpio at dating aide ng pangulo na si Senator-elect Bong Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.