Pilipinas hindi maghahain ng reklamo kaugnay sa naranasan ni dating Ombudsman Morales sa Hong Kong

By Chona Yu May 23, 2019 - 07:51 AM

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na maghain ng protesta matapos pagbawalan ng Hong Kong na pumasok sa kanilang teritoryo si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Tugon ito ng Palasyo sa hamon ni Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte na maghain ng protesta.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pakikialaman ng Pilipinas ang immigration law na ipinatutupad ng Hong Kong.

Tiyak din anyang ayaw ng Pilipinas na pakielaman ng ibang bansa ang mga umiiral na batas sa bansa.

Matatandaaang nagtungo si Morales kasama ang kanyang pamilya sa Hong Kong para magbakasyon subalit pinabawalan ng immigration na makapasok si Morales dahil sa pagiging security risk umano nito.

Si Morales ay una ng naghain ng crimes against humanity sa The Hague laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa pagharass ng China sa mga Filipino na mangingisda sa West Philippine Sea.

TAGS: Conchita Carpio-Morales, Hong Kong, the hague, Conchita Carpio-Morales, Hong Kong, the hague

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.