Piolo Pascual, Shaina Magdayao pinangunahan ang premiere ng pelikulang ‘Ang Hupa’ sa Cannes

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2019 - 06:48 AM

Present ang cast ng sci-fi movie na “Ang Hupa” na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa premiere ng pelikula sa 2019 Directors’ Fortnight ng Cannes Film Festival sa France.

HIndi naman nakadalo ang direktor na si Lav Diaz na mayroong naunang commitment sa Cuba.

Kasama nina Piolo at Shaina ang iba pang cast ng pelikula na sina Pinky Amador, Mara Lopez, Hazel Orencio at iba pa.

Sa Q and A para sa premiere ng pelikula ay ibinahagi nina Piolo, Pinky at Shaina ang mga natutunan nila kay Lav Diaz.

Anila, napakagandang karanasan at malaking karangalan ang makatrabaho si Lav.

Ang Directors’ Fortnight ay non-competitive film festival na bahagi ng Cannes Film Festival.

Inorganisa ito ng French Directors Guild at nagsimulang iprisinta sa Cannes noong 1969.

Layon nitong ipakita at maibahagi ang mga dekalidad na pelikula.

TAGS: 2019 Directors' Fortnight, Ang Hupa, Cannes Film Festival, France, Piolo Pascual, Shaina Magdayao, 2019 Directors' Fortnight, Ang Hupa, Cannes Film Festival, France, Piolo Pascual, Shaina Magdayao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.