Malaking bahagi ng bansa uulanin ngayong araw dahil sa frontal system at localized thunderstorms

By Dona Dominguez-Cargullo May 23, 2019 - 06:36 AM

Apektado ng frontal system Southern Luzon at Eastern Visayas habang mas madalas na pag-ulan dulot ng thunderstorms naman ang maaring maranasan sa iba pang bahagi ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz, dahil sa frontal system, ngayong araw, ang Bicol Region at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pagulan.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay mas madalas na mararanasan ang pag-ulan dulot ng thunderstorms.

Ang malakas at biglaang buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Makararanas pa rin naman ng mainit na temperatura sa tanghali kung saan sa Metro Manila ay inaasahang aabot sa hanggang 34 degrees Celsius ang maximum na temperatura.

TAGS: frontal system, localized thunderstorms, Pagasa, weather, frontal system, localized thunderstorms, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.