Target ng buy-bust si alyas ‘Edwin’, isang barker na sinasabing nagsusuplay ng iligal na droga sa lugar.
Kasamang natimbog ang ka-live in ng suspek.
Ayon kay Pol. Captain Ramon Acquiatan, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD Station 7, modus ng dalawa na magbenta ng droga sa loob ng inuupahan nilang kwarto sa apartelle.
Nabilhan ng P500 halaga ng iligal na droga ang dalawang suspek kaya’t agad silang inaresto.
Nakuha sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P7,500.
Lumalabas sa imbestigasyon na dati nang nakulong ang dalawa dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Pinabulaanan naman ng dalawa na nagtutulak sila ng shabu ngunit aminadong gumagamit sila hanggang sa ngayon.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.