Robin Padilla humingi ng tawad kay Sharon Cuneta

By Len Montaño May 23, 2019 - 03:39 AM

Humingi ng patawad si Robin Padilla kay megastar Sharon Cuneta.

Ito ay kasunod ng post na litrato ni Sharon kasama si Robin at ang yumaong sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez.

Sa kanyang camption ay sinabi ng aktres na malungkot siyang hindi na mauulit ang naturang larawan.

Isang netizen ang nasabi kay Sharon na alagaan nito ang pagkakaibigan nila ni Robin.

Pero sagot ng aktres, dapat ay sa aktor iparating ang mensahe.

Dito na sumagot si Robin, una ay nagpasalamat ito kay Sharon sunod ay humingi ito ng tawad sa anyay kanyang malaking pagkukulang.

Hindi malinaw kung anong ugat ng isyu pero isa sa mga pwedeng dahilan ay ang hindi pagdalo ni Robin sa 40th anniversary concert ni Sharon noong nakaraang taon.

Sa kanyang post noong 2018 ay sinabi ni Sharon na nasaktan siya dahil hindi sumagot si Robin sa kanyang imbitasyon para sa concert.

TAGS: 40th anniversary, concert, fernando poe jr, humingi ng tawad, pagkukulang, robin padilla, Rudy Fernandez, Sharon Cuneta, 40th anniversary, concert, fernando poe jr, humingi ng tawad, pagkukulang, robin padilla, Rudy Fernandez, Sharon Cuneta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.