Aabot sa 7,153 pulis ang ipakakalat sa sa Metro manila sa pagbabalik ng klase sa June 3 ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO director Maj. Gen.Guillermo Eleazar, layon nitong tiyakin ang seguridad ng mga mag-aaral sa pagbabalik-eskwela at walang mangyaring untoward incident.
Bukod sa mga paaralan, babantayan din ang mga pampasaherong bus at jeep.
Nagbabala si Eleazar sa mga kriminal na huwag samantalahin ang pagbubukas ng klase.
“We will be everywhere, especially our police detectives who would secure students and other commuters inside buses and passenger jeepneys,” ayon sa police official.
Bukod sa higit 7,000 pulis, tutulong din sa maayos na pagbubukas ng klase ang 8,627 force multipliers na kinabibilangan ng mga bantay-bayan members, communication groups at non-government organizations.