Bandang alas-3:15 ng hapon ng Miyerkules, umabot na sa 55,808 election returns ang natanggap ng poll watchdog o 65.07 percent ng kabuuang 85,769 ER.
Ayon sa datos ng PPCRV, kabuuang 32,586 ER na ang naipares sa electronically transmitted election returns.
Ang match rate sa pagitan ng physical at digital election returns ay nasa 99.98 percent pa rin.
Nauna nang sinabi ni PPCRV National Chairperson Myla Villanueva na patuloy silang tatanggap ng kopya ng ER upang matiyak ang resulta ng halalan.
Tuloy pa rin ang encoding ng PPCRV sa physical election returns kahit sarado na ang transparency server matapos ilabas ng National Board of Canvassers (NBOC) ang opisyal na resulta ng halalan.