M3.0 na lindol naitala sa Bohol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Bohol alas-11:34 ng gabi ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong limang kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Danao.

May lalim ang pagyanig na pitong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...