LTO: Plaka sa 4-wheel vehicle na inapply Jul 1, 2016-Apr, 2019 makukuha na

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na maaari nang kunin ang plaka para sa 4-wheel vehicle na inapply mula July 1, 2016 hanggang Abril ngayong taon.

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, umabot na sa 1,774,474 na pares ng plaka ang nagawa ng bagong automated at manual-plate making machine ng ahensya.

Dagdag ni Galvante, bibili pa ang LTO ng isa pang plate-making robot para punan naman ang kulang na plaka ng mga motorsiklo.

Pagmamalaki ng ahensya, aabot sa 700 plaka kada oras ang kayang gawin ng robot.

Sinabi pa ni Galvante na handa na ang mga plaka sa Luzon hanggang Disyembre maliban sa National Capital Region (NCR), Region 3 at 4A na ang plaka ay hanggang Sityembre ng kasalukuyang taon.

Sa Visayas at Mindanao naman ay handa na ang mga plaka hanggang Disyembre.

Target ng LTO na mabigyan ng mga bagong plaka ang mga bago o lumang sasakyan sa Oktubre.

Read more...