6 patay sa election riots sa Indonesia

By Rhommel Balasbas May 23, 2019 - 01:17 AM

AP photo

Nasawi ang anim katao matapos umusbong ang serye ng mga riot upang iprotesta ang muling pagkakahalal ni Joko Widodo bilang pangulo ng Indonesia.

Sa kumpirmasyon ni National police chief Tito Karnavian, anim ang nasawi ngunit pinabulaanan nito na direktang pinaputukan ng mga pulis ang mga demonstrador.

Ipinakalat ang 30,000 mga pulis na naka-riot gears para pigilan ang marahas na pagpoprotesta ng mga tao sa pamamagitan ng pagsusunog at pagkakalat.

Nilimitahan din ng mga awtoridad ang access ng mga mamamayan sa social media upang mapigilan ang pagpapakalat ng mga pekeng balita.

Ayon kay Chief security minister Wiranto, kabilang sa pansamantalang nakablock ay ang photo at video sharing.

Ang karahasan ay sumiklab matapos kumpirmahin ng election commission ng Indonesia ang reelection ni Widodo kung saan tinalo niya sa halalan noong April 17 si retired military general Prabowo Subianto.

Ang mga demonstrador ay supporters ni Subianto.

Iginigiit ni Subianto na siya ay dinaya at ipoprotesta niya umano sa korte ang resulta ng eleksyon.

TAGS: 6 patay, eleksyon, indonesia, Joko Widodo, photo sharing, Prabowo Subianto, protesta, riot, social media, video sharing, 6 patay, eleksyon, indonesia, Joko Widodo, photo sharing, Prabowo Subianto, protesta, riot, social media, video sharing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.