Signal number 3, nakataas na sa 6 na lugar dahil kay ‘Nona’
Itinaas na ang Public Storm Warning Signal Number 3 sa anim na lalawigan dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong ‘Nona’ (Melor) sa lupa.
Sa pinakahuling advisory ng PAGASA, Signal number 3 na sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon kaasama ang Ticao island, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.
Signal number 2 naman sa mga lalawigan ng Masbate kasama ang Burias Island, Camarines Sur, Camarines Norte, Romblon, Southern Quezon, Leyte at Biliran.
Nasa ilalim naman ng signal number 1 ang Marinduque, Oriental Mindoro at ang iba pang bahagi ng Quezon, Southern Leyte, Northern Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Negros Occidental, Dinagat province at Siargao Island.
Namataan ang bagyo sa layong 380 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.
Patuloy na tinatahak ng bagyo ang direksyon ng Samar-Sorsogon area sa bilis na 19 kilometers per hour.
Taglay nito ang lakas na 140 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 170 kph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.