Lola, patay matapos tamaan ng kidlat sa Albay

By Angellic Jordan May 22, 2019 - 11:34 PM

File photo kuha ni Ellen Borbolla

Nasawi ang isang lalo matapos tamaan ng kidlat sa Legazpi City, Albay Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Aldwin Gamboa, hepe ng Legazpi City police, nakilala ang biktima na si Editha Icban, 60-anyos.

Lumabas na inisyal na imbestigasyon na nagluluto ang biktima sa likod ng kaniyang bahay nang tamaan ng kidlat sa bahagi ng Barangay Padang dakong 11:15 ng umaga.

Dinala pa ang biktima sa Albay Doctors Hospital ngunit nasawi rin makalipas ang ilang minuto.

TAGS: Albay, Legazpi City, Lola, nagluluto, patay, tinamaan ng kidlat, Albay, Legazpi City, Lola, nagluluto, patay, tinamaan ng kidlat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.