61 party-list representatives, naiproklama na

Naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang mga nanalong partylist group sa nagdaang 2019 midterm elections.

Nasa 51 party-list groups ang nabigyan ng puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

61 representante naman sa nasabing bilang ng partylist ang makapapasok sa 18th Congress.

Nanguna sa party-list race ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support o ACT-CIS at Bayan Muna na nakakuha ng tig-tatlong pwesto.

Tig-dalawang pwesto ang nakuha ng mga sumusunod na party-list group:
– Ako Bicol
– Cibac
– Ang Probinsyano
– 1Pacman
– Marino
– Probinsyano Ako
– Senior Citizens

Tig-isang pwesto naman sa mga sumusunod na party-list group:
– Magsasaka
– APEC
– Gabriela
– Anwaray
– COOP_NATCCO.
– ACT Teachers
– PHILRECA
– Ako Bisaya
– Tingog Sinirangan
– Abono
– Buhay
– Duterte Youth
– Kalinga
– PBA
– Alona
– RECOBODA
– BH (Bagong Henerasyon)
– Bahay
– CWS
– Abang Lingkod
– A Teacher
– BHW
– Sagip
– TUCP
– Magdalo
– GP
– Manila Teachers’
– RAM
– Anakalusugan
– Ako Padayon
– AAMBIS-OWA
– Kusug Tausug
– Dumper PTDA
– TGP
– Patrol
– Amin
– Agap
– LPGMA
– OFW Family
– Kabayan
– Diwa
– Kabataan

Batay sa batas, kada grupo na makakakuha ng dalawang porsyento ng kabuuang party-list votes ay mabibigyan ng isang pwesto para sa kanilang first nominee.

Ganap na 7:00 ng gabi nang sinimulan ang programa ng proclamation rites sa mga nanalong kongresista.

Read more...