Signal number 2, itinaas sa 7 lugar

nona 5pm
Larawan mula sa Pagasa

Lalo pang lumakas ang bagyong Nona.

Base sa 5 pm advisory ng PAGASA, nasa 440 kilometers East ng Catarman, Northern Samar ang bagyo.

Taglay ng bagyong Nona ang hangin na 140 kilometers per hour at pagbugso ng 170 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa 19 kilometers per hour.

Nakataas na ngayon ang Public Storm Warning Signal Number 2 sa Catanduanes, Albay, Sorsogon at Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.

Nakataas naman ang Public Sotrm Warning Signal Number 1 sa Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur at Masbate kasama na ang Burias Island, Biliran, Leyte, Southern Leyte at Northern Cebu kasama na ang Camotes Island, Dinagat Province at Siargao Island.

Bukas ng hapon, inaasahang nasa 10 kilometers per hour ang bagyo sa Northern Samar.

Read more...