DepEd handa na sakaling maging batas ang mandatory ROTC

By Chona Yu May 22, 2019 - 03:10 PM

Inquirer file photo

Aabot sa isandaang paaralan muna ang magiging pilot area para sa pagpapatupad ng mandatory Reserve Officers Training Corps o ROTC sa loob ng dalawang taon.

Ito ay kung maipapasa ng Senado ang sariling bersyon ng mandatory ROTC at malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas bago ang June 7.

Una rito, naipasa na sa Kamara sa third and final reading ang mandatory ROTC bill.

Sa pulong balitaan sa Malacañang,  sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na suportado niya ang panukala na ibalik ang ROTC para maitatak sa mga bata ang disiplina sa sarili.

Sinabi naman ni DepEd USec. Alain Pascua na sa ngayon, isandaang public at private schools ang nag- volunteer na maging pilot area sa implementasyon ng ROTC.

Ito aniya ay malalapit sa military bases at ang mga eskwelahan na may malalawak na parade grounds.

Kailangan kasi aniya  nilang makita muna ang mga posibleng susulpot na problema o isyu kaugnay ng pagpapatupad ng rotc kapag tuluyan na itong naisabatas.

Anuman aniya ang kanilang ma obserbahan at maitatalang mga problema ay isasama sa report nila sa joint congressional oversight committee para ito matugunan.

TAGS: briones, Congress, duterte, Mandatory ROTC, Senate, briones, Congress, duterte, Mandatory ROTC, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.