Dating Tourism Sec. Ace Durano pinayagan ng Sandiganbayan na bumiyahe sa labas ng bansa

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Tourisim Sec. Ace Durano na makalabas ng bansa.

May biyahe si Durano patungong Australia kung saan 13 araw siyang tatagal doon.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 7th Division pinaburan nito ang inihaing motion to secure clearance/authority to travel ni Durano.

Si Durano ay nahaharap sa kasong graft dahil sa maanomalyang pagpapaga ng 2009 calendar ng DOT.

Inatasan ng anti-graft court si Durano na maglagak ng P60,000 na travel bond bilang garantiya na sya ay babalik ng bansa.

Kailangan din niyang ipresinta ang sarili sa korte at isumite ang mga travel document sa sandaling makabalik na ng Pilipinas.

Read more...