5 opisyal ng RCBC kinasuhan kaugnay sa bank heist sa Bangladesh
Nagsampa na ng kasong money laundering ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga opisyal ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC).
Ito ay kaugnay sa pagnanakaw ng nasa $81-million na halaga ng pera mula sa Bank of Bangladesh noong 2016.
Kabilang sa kinasuhan sa Makati City Regional Trial Court ay sina RCBC Retail Banking Group (RBG) executives Raul Victor Tan, National Sales Director Ismael Reyes, Regional Sales Director Brigitte Capiña, Customer Service Head Romualdo Agarrado at Senior Customer Relationship Angela Ruth Torres.
Nakasaad sa resolusyon ng DOJ na ang lima ay nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang trabaho bilang mga opisyal ng RCBC.
Sinabi ni Justice Undersecretary at DOJ Spokesperson Markk Perete na ibinasura lamang ng kagawaran ang motions for reconsideration ng respondents.
Nakasaad din sa resolusyon na pinabayana lamang ng mga opisyal na magtuloy ang transaksyon kahit nakitaaan na ng red flags.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.