Mayor Sara Duterte hindi natatakot sa banta ni Alan Peter Cayetano
Hindi natatakot si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa banta ni incoming Congressman Alan Peter Cayetano na kumalas sa koalisyon ng Hugpong ng Pagbabago kapag inindorso si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco bilang susunod na speaker.
Ayon kay Duterte-Carpio, kapag nakaririnig siya ng mga banta gaya ng pahayag ni Cayetano, inilalagay na lamang niya ito sa isang kahon at saka nagmo-move on.
Dagdag ni Duterte-Carpio, mayroon siyang sariling manok sa pagka-speaker.
Gayunman, tumanggi itong tukuyin kung sino ang kanyang susuportahan na susunod na lider ng kamara.
Nagtataka si Mayor Sara sa banta ni Cayetano dahil maayos naman ang kanilang pagkakaibigan.
Bukod kay Velasco, inindorso na rin ni Duterte-Carpio si incoming Leyte Congressman Martin Romualdez na susunod na speaker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.