Tatlong police officials na posibleng maging susunod na PNP chief pinangalanan ni Gen. Albayalde

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2019 - 11:58 AM

Pinangalanan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde ang tatlong police officials na posibleng maging successor niya.

Sa ambush interview kay Albayalde sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na ang posibleng pumalit sa kaniya ay ang mga nasa listahan din naman noong magretiro sa pwesto si senator-elect Ronald Dela Rosa.

Ito ay sina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Director Gen. Archie Francisco Gamboa, PNP operations chief at si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Directorial Staff chief.

Sinabi ni Albayalde na ang tatlo ay pawang may magandang performance at sina Gamboa at Cascolan ay kapwa senior at next in line.

Si Eleazar na bagaman hindi senior at mula sa class 87 ay mayroon ding hindi matatawarang performance.

Sa panayam kay Dela Rosa kamakailan sinabi nito na ieendorso niya sina Eleazar, Gamboa at Cascolan bilang susunod na PNP chief.

Si Albayalde ay nakatakdang magretiro sa pwesto sa Nobyembre.

TAGS: albayalde, PNP, Radyo Inquirer, retirement, albayalde, PNP, Radyo Inquirer, retirement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.