Kriminalidad dapat tutukan ani VP Binay

By Chona Yu December 13, 2015 - 05:59 PM

11binay
Inquirer file photo

Naalarma si Vice President Jejomar Binay sa paglobo ng bilang ng kriminalidad sa bansa.

Base sa talaan ng Philippine National Police o PNP, umabot na sa 885,000 na krimen ang naitala mula Enero hanggang Hunyo.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 603,000 na krimen na naitala sa parehong buwan noong 2014.

Maging ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ay nakapagtala rin ng mas mataas na kaso ng ilegal na droga.

Hamon ni Binay sa pamahalaan, gumawa ng kaukulang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Wala aniyang saysay ang ipinagmamalaking paglago ng ekonomiya ng bansa kung hindi naman ligtas ang taong bayan.

TAGS: Crime rate, Crime rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.