Senator Bam Aquino tinanggap na ang pagkatalo

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2019 - 10:31 AM

Ilang oras bago ang proklamasyon sa mga nanalong senador ay nagconcede na si Senator Bam Aquino.

Ayon kay Aquino, hindi man siya pinalad na makakuha ng pangalawang termino ay hindi naman mauubos ang pagmamahal niya mga kababayan at kagustuhang manilbihan sa kapwa.

Itinuturing din ni Aquino na malaking karangalan ang manilbihan sa taumbayan kaya’t lubus-lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga nakatrabaho at sumuporta sa kaniya sa loob ng anim na taon.

Si Aquino ay nasa pang-14 na pwesto matapos ang final at official tally ng Comelec.

TAGS: 2019 elections, bam aquino, senatorial race, 2019 elections, bam aquino, senatorial race

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.