3 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Lanao del Norte

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2019 - 10:19 AM

Inquirer file photo
Patay ang tatlong katao habang sugatan ang tatlong iba pa makaraang mabangga ang sinasakyan nilang tricycle sa dalawang sasakyan sa Tubod, Lanao del Norte.

Ayon ka Police Major Rodolfo Dongiapon, Tubod police chief, naganap ang aksidente sa national highway ng Kakai Renabor Martes (May 21) ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Samia Pasan Montila, 30 anyos; Charlyn Mondido Sumagang, 33 anyos; at Amenola Hadji Latip na pawang residente ng bayan ng Kolambugan.

Ang mga nasugatan naman ay nakilalang sina Jenelyn Filipino Sayre, 31 anyos; Mohammad Jalil Pasan Montila, 9 na taon; at Antonina Pang-an Balatero, 55 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng Toyota Sedan ang Tubod proper patungong Kolambugan nang makabangga nito ang tricycle.

Nawalan ng kontrol ang tricycle at tumama sa isa pang Nissan pick-up.

Tumilapon ang lahat ng sakay ng tricycle.

Tumakas naman agad ang driver ng Toyota sedan at iniwan sa lugar ang sasakyan.

Sa isinagawang pagsisiyasat, na-trace ang may-ari ng kotse sa pamamagitan ng plate number nito na AA 1884 at natuklasang nakarehistro ito sa isang Nicanor Andal Garcia, na ang address ay sa Fairview, Quezon City.

Ang driver naman ng Nissan Pick-up na si Prince Alexander Umpa Caorong ay kusang sumuko.

TAGS: accident, Lanao del Norte, tubod, accident, Lanao del Norte, tubod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.