Suporta ni Mayor Inday Sara nais makuha ni dating Speaker Alvarez sa pagtakbo bilang lider ng Kamara

By Erwin Aguilon May 22, 2019 - 08:58 AM

Tatangkain ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na kunin ang suporta ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa plano niyang pagtakbo muli bilang Speaker ng 18th Congress.

Sinabi ni Alvarez na gagawin niya ang kanyang makakaya para makuha ang suporta ni Mayor Sara.

Matatandaan na napatalsik bilang speaker ang kongresista noong Hulyo 23, 2018 na mismong araw ng SONA ni Pangulong Duterte at pinalitan siya ni Pampanga Rep. at ngayon ay Speaker Gloria Arroyo.

Sinasabing si Sara Duterte ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Alvarez at pagluluklok kay Arroyo bilang speaker.

Tumanggi naman si Alvarez na pag-usapan ang nangyaring pagpapatalsik sa kanya sa puwesto noong nakaraang taon.

Iginiit naman niya ang intensiyon na tumakbong speaker para makatulong sa administrasyon sa pagsusulong ng legislative agenda ni Pangulong Duterte sa nalalabi niyang tatlong taon na termino.

Tiwala naman ang kongresista na makukuha rin niya ang suporta ng kanyang mga kasamang kongresista sa kabila ng inaasahang makakalaban niya sa speakership sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Aminado naman si Alvarez na lahat ng kanyang mga makakalaban ay magagaling at malalakas.

TAGS: House of Representatives, House Speakership, Pantaleon ALvarez, Sara Duterte, House of Representatives, House Speakership, Pantaleon ALvarez, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.