Fishing ban ng China sa South China Sea labag sa soberanya ng Pilipinas ayon sa Malakanyang

Patuloy na igigiit ng Palasyo ng Malakanyang ang sobarenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magpatupad ang China ng annual fishing ban mula May 1 hanggang August 16 sa South China Sea kung saan saklaw ang ilang isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, labag sa soberanya ng Pilipinas ang ginagawa ng China.

Gayunman, sinabi ni Panelo na ipauubaya na ng Malakanyang kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang pagtugon sa isyu.

Nasa pagpapasya na rin aniya ni Locsin kung maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

Matatandaang kasama sa mga pinagbawalan ng Chinese agricultural ministry ay ang pangingisda sa Paracel Island ng Vietnam at Scarborough Shoal na bahagi ng Pilipinas.

Read more...