Agawan sa mahihigaang kariton sa pagitan ng dalawang mangangalakal, nauwi sa pananaksak sa QC

Hindi na inabot ng umaga ang isang mangangalakal ng basura matapos pagsasaksakin ng kapwa nito magbabasura sa ilalim ng Kamuning Flyover sa Quezon City.

Nangyari ang insidente alas 3:00 ng madaling araw ng Miyerkules, May 22.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Danny Abalos, 34 ayos.

Ayon kay Jackelyn Bungad kinakasama ng biktima, katatapos lang nila mangalakal ng basura at matutulog na dapat nang magkasagutan si Abalos at kaibigang si Alyas Jun.

Lumalabas sa imbestigasyon ng QCPD na nag-ugat ang away ng dalawa dahil sa mahihigaang kariton na nauwi sa pananaksak.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang QCPD para sa agarang pagkakadakip ng suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

Read more...