PDI Publisher Dr. Raul Pangalangan, hinirang na bagong ICC Judge

June 25, 2015 - 04:42 PM

Dean-Pangalangan-gallery1
Inquirer file photo/Romy Homillada

Hinirang bilang bagong huwes ng International Criminal Court (ICC) si dating UP College of Law Dean at ngayo’y publisher ng Philippine Daily Inquirer (PDI) na si Dr. Raul Pangalangan.

Naungusan ni Dr. Pangalangan si Dr. Ibrahim Alijazy ng Jordan sa botohan ng 123-member state parties ng ICC sa The Hague, Netherlands.

Nakuha ng Inquirer publisher ang majority vote na 59 sa second round ng botohan.

Pupunan ni Dr. Pangalangan ang pwesto ni senador Miriam Defensor-Santiago na nabakante nang magresign ito noong June 2014 dahil sa kanyang kalusugan.

Ang nominasyon ni Pangalangan sa ICC ay suportado ni Pangulong Aquino at DFA Secretary Albert del Rosario.

Ang Philippine mission sa United Nations ang nag-anunsyo ng pagkakahirang ni Pangalangan sa isang Facebook post.

Kinilala ang pagiging law professor ni Dr. Pangalangan sa mga institusyon tulad ng Harvard Law School, The Hague Academy of International Law, Irish Centre for Human Rights, at Thessaloniki Institute of International Public Law and International Relations.

Si Dr. Pangalangan ay graduate na Cum Laude for Political Science sa UP kung saan din siya nag-law.

Nakuha naman nito ang kanyang doctoral of Juridical Science sa Harvard Law School noong 1990.

Kapwa naman pinapurihan nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Marvic Leonen si Dr. Pangalangan na nahalal bilang kapalit ng nagbitiw na si Senador Miriam Santiago sa International Criminal Court na nakabase sa The Netherlands.

Ayon kay Chief Justice Sereno, si Pangalangan ay sumasalamin sa  pamamayagpag ng mga Pinoy sa larangan ng batas na nakikilala sa international community.

Sinabi naman ni Justice Leonen na karapat-dapat sa posisyon si Pangalangan na sumusunod anya sa mga yapak nina dating Chief Justice Cesar Bengzon at dating Associate Justice Florentino Feliciano.

Si Dr. Pangalangan na dating katrabaho nina Chief Justice Sereno at Justice Leonen sa UP College of Law ay ang kasalukuyang publisher ng pahayagang Philippine Daily Inquirer. – Len Montaño/Ricky Brozas

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.