Manny Pacquiao at Keith Thurman nagharap sa kickoff news conference para sa kanilang laban sa Hulyo

May 22, 2019 - 08:20 AM

Photo from Sen. Manny Pacquiao
Nagharap sa kickoff news conference sa New York sina Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman para magaganap na laban nila sa July 20.

Sa nasabing press conference nangako si Thurman na tatapusin niya ang boxing career ni Pacquiao.

Ito na aniya ang magiging huling laban ng pambansang kamao.

Ayon naman kay Pacquiao, dalawang dekada na siya sa boxing at kahit kailan hindi siya natakot sa kaniyang mga nakalaban .

Excited umano siya sa laban nila ni Thurman lalo at undefeated ito.

Hindi rin nagbigay ng prediksyon si Pacquiao pero tiniyak nitong 100 porsyento syang handa at kondisyon para sa laban.

Ani Pacquiao, pinili niyang makalaban si Thurman dahil wala pa itong talo at nais niyang patunayan na sa edad na 40 ay kaya niya pa ring talunin ang isang undefeated boxer.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

TAGS: Boxing, Keith Thurman, manny pacquiao, Radyo Inquirer, Boxing, Keith Thurman, manny pacquiao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.