Sen. JV Ejercito tinanggap na ang pagkatalo; iiwan ang senado ng may integridad

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2019 - 08:04 AM

Iiwan ang senado ng buo ang integridad.

Ito ang pahayag ni Senator JV Ejercito ilang oras makaraang ilabas ng Commission on Elections ang pinal na resulta ng katatapos na eleksyon kung saan hindi pinalad na magwagi ang senador.

Sa kaniyang post sa twitter, sinabi ni Ejercito na nagpapasalamat siya sa sambayanan sa pagkakataong ibinigay sa kaniya na siya ay makapaglingkod sa bansa.

Isang karangalan aniya ang mapaglikungran ang publiko.

Sinabi ni Ejercito na aalis siya sa senado na “intact” ang kaniyang integridad.

Ani Ejercito hindi na dapat malungkot ang kaniyang supporters.

Aniya, narito lamang ang “Good One” at magpapatuloy na magmamahal sa sambayanan.

TAGS: Radyo Inquirer, Senator JV Ejercito, senatorial elections, Radyo Inquirer, Senator JV Ejercito, senatorial elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.