Big-time drug suspek naaresto sa isang five-star hotel sa BGC; P8.6M na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska

Kuha ni Fritz Sales

Arestado ang isang big-time drug pusher sa loob ng inuupahang unit sa isang five-star residential apartment sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Kinilala ni NCRPO chief, Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang suspek na si Domingo Uy.

Umuupa si Uy ng unit sa five-start apartment sa BGC at ang ibinabayad sa upa ay P13,000 kada araw.

Nasimulang umupa si Uy sa lugar noon pang Disyembre.

Aabot sa P8.5 million na halaga ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga ang nakumpiska sa suspek.

Kinabibilangan ito ng 4,038 pills ng ecstasy, 350 grams ng high-grade cocaine at mayroon ding 103 grams ng ‘kush’ at 3 botelya ng liquid marijuana.

Mayroong dollars at mayroong ding Hong Kong dollars. Napakaraming tseke.

May nakumpiska ring P700,000 na cash at tseke na aabot sa P175 million ang halaga.

Kwento ni Eleazar, dalawang housekeepers ang naglilinis sa loob ng unit nang makita nila ang isang nakabukas na vault.

Agad umanong tumawag ang housekeepers sa security officer at manager ng high-end na hotel na sila naman ang tumawag sa pulis.

Si Uy ay isang Filipino national na mayroon ding Canadian passport.

 

Read more...