Mahigit 30 tornadoes tumama sa central US; ilang mga bahay sa Oklahoma ang nasira

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2019 - 06:58 AM

AP photo
Mahigit 30 tornadoes ang tumama sa central US na nagresulta sa pagkasira ng mga bahay sa Oklahoma.

Nasira din ng tornadoe ang rack track sa isang grandstand sa Missouri at nagresulta din ito ng pagbaha sa maraming lugar.

Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration Storm Prediction Center umabot sa 26 tornadoes ang naitala noong Lunes at anim pa noong Martes.

Nagsimulang maranasan ang hindi magandang lagay ng panahon noong Lunes ng gabi at kabilang sa mga apektadong lugar ay ang bahagi ng Illinois at Arkansas.

Ngayong araw ng Miyerkules, inaasahang dadaan din ang bagyo sa Great Lakes region at hihina.

Pero isa pang sama ng panahon ang binabantayan ngayon at posibleng manalasa sa Texas at Chicago.

TAGS: central us, Storm, tornadoes, US, central us, Storm, tornadoes, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.