Karendirya at tindahan ng makina tinupok ng apoy sa Quiapo, Maynila

Tinupok ng apoy ang isang carinderia at bintahan ng makina sa Soler Street sa Quiapo, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 4:03 ng madaling araw ng Miyerkules, May 22.

Ayon sa Manila Fire Bureau umabot lang ng unang alarma ang sunog at naapula alas 4:54 ng madaling araw.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Ayon kasi sa may-ari ng carinderia bago sila magsara kagabi ay naisara naman ng maayos ang LPG at napatay ang lahat ng nakasinding gamit sa loob.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...