Dalawang dayuhan, sangkot sa ATM machine scam

By Mariel Cruz December 13, 2015 - 05:50 PM

skimming device
Inquirer file photo

Arestado ang dalawang dayuhan matapos mahuling naglalagay ng skimming device sa isang Automated Teller Machine o ATM sa Quezon City kaninang umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Gabriel Varga, 24 years old, isang Romanian national at Milna Kamilia aka Mila, 25 years old, isang Malaysian national.

Ayon kay Supt. Pedro Sanchez, commander ng Quezon City Police District Kamuning station, napaulat noong December 6 naturang insidente.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis ngunit bigo silang madakip ang dalawang suspek matapos makatakas ng mga ito.

Kaninang umaga, dumating sa kanilang tanggapan ng report na bumalik ang dalawang foreigners at naglagay ng panibagong skimming device sa parehong ATM.

Matapos matanggap ang balita, agad na nagsagawa ng panibagong operasyon ang QCPD Kamuning at doon na nahuli ang mga naturang suspek.

Mahaharap ang dalawang suspek sa mga kaso ng paglabag sa Republic Act 8484 o Access Device Regulation Act at Republic Act 8792 o e-Commer Law.

TAGS: 2 foreigners arrested for installing skimming device in an ATM in QC, 2 foreigners arrested for installing skimming device in an ATM in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.