Ayon sa DOH, ilalagay sa AO ang rekomendasyon sa Kongreso na isama ang e-cigarette at vape sa Tobacco Regulation Act at Sin Tax law.
Sa gitna naman ng ulat na nakatulong pa ang paggamit ng vape sa unti-unting pagkalas sa paninigarilyo, sinabi ng ahensya na walang patunay na nakatulong ang e-cigarette para tumigil sa naturang bisyo.
“Wala pa tayong nakikitang ebidensiya na beneficial siya to help people quit smoking o mas healthy option to smoking. In fact ang problem natin kasi may content siyang nicotine kaya tuloy-tuloy pa rin ang addiction,” paliwanag ni Usec. Eric Domingo, tagapagsalita ng DOH.
Dahil may kemikal anya na inilalagay sa e-cigarette at vape ay may peligro rin ito sa kalusugan alinsunod sa syensa na anumang hindi natural ay masama sa katawan.