P2M halaga ng iligal na droga nakumpiska sa Maynila; 17 arestado

By Rhommel Balasbas May 22, 2019 - 04:43 AM

File photo

Aabot sa P2 milyon ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga sa sunud-sunod na buy-bust operations sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

Ayon sa Pandacan Police, naaresto nila ang 17 drug suspects sa isinagawang mga operasyon.

Ayon kay MPD Station 10 – Station Drug Enforcement Unit (SDEC) chief Pol. Capt. Pidencio Jun Saballo, una silang nagkasa ng buy-bust operation sa Pandacan kung saan nahuli ang anim na suspek.

Pagkatapos ng operasyon ay itinuro ng isa sa mga suspek ang supplier nila kaya’t isa pang operasyon ang isinagawa sa isang Apartelle sa Ermita.

Dito nahuli ang isang mag-live-in partner na inginuso naman ang pinagkukunan nila ng droga.

Isang buy-bust operation muli ang ikinasa sa Paco Market kung saan nahuli ang mag-amang drug suspects.

Itinuro naman ng mag-ama ang kanilang supplier dahilan para maglunsad ng isa pang operasyon sa Quiapo, Maynila at naaresto ang isa pang suspek.

Isa pang operasyon ang isinagawa kung saan natimbog ang anim na drug suspect.

Sa sunud-sunod na operasyon ay nasabat ang 285 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2 milyon.

Naniniwala ang pulisya na iisang grupo lamang ang kinabibilangan ng mga suspek na may mga parokyano sa lungsod.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 17 arestado, 285 gramo, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, Maynila, MPD Station 10, P2 milyon, Paco Market, Pandacan Police, 17 arestado, 285 gramo, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, Maynila, MPD Station 10, P2 milyon, Paco Market, Pandacan Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.