Pagasa nagbabala ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao
Nagbabala ang Pagasa ng malakas na ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Miyerkules.
Sa 4am Pagasa weather forecast, nakakaapekto ang frontal system sa Hilagang Luzon.
Ayon pa sa Pagasa, posibleng umulan sa Metro Manila, at mga bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao lalo na sa hapon.
Asahan din ang pag-ulan sa Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region sa umaga pa lamang na pwedeng tumagal hanggang hapon.
Maulap ang panahon sa Metro Manila na may tsansa ng thunderstorms sa hapon.
Pero sinabi ng Pagasa na sa kabila ng inasahang pag-ulan ay mararamdaman pa rin ang heat index na 42 degrees Celsius.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.