Seguridad para sa inaasahang panonood ni Trump ng sumo wrestling sa Japan hihigpitan

AP photo

Problema para sa ilang sports organizers kung paano ipatutupad ang istriktong seguridad sa planong panonood ni US President Donald Trump sa sumo wrestling.

Mayroong state visit ang pangulo ng Estados Unidos sa Japan sa May 25 hanggang 28 para talakayin ang regional security at trade issues.

Malaki ang pagnanais ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na makadalo si Trump at ang kanyang asawa na si Melania sa huling araw ng 15-day sumo tournament.

Si Trump ang inaasahang magbigay ng tropeo sa mananalo.

Gayunman, isyu para sa organizers ang seguridad para sa planong pa beergdalo ni Trump sa sports.

Kailangan kasing mai-check nang maaga ang mga bumili ng tickets para sa 1,000 upuan malapit sa ring.

Posible ring ipatupad ang ban sa pagbebenta ng canned beer sa front section kung saan inaasahang uupo si Trump.

Sa isang panayam noong Abril, sinabi ni Trump na ang sumo ay isa sa mga sports na talagang kanyang ikinasisiya.

Read more...