DFA nagsampa ng kaso kaugnay ng pagkamatay ng Pinay sa Kuwait

By Len Montaño May 22, 2019 - 03:59 AM

Kuwait Times photo

Nagsampa ng reklamo ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng pag-abuso at pagpatay sa isang Filipina household worker sa Kuwait.

Pero hindi nagbigay ng detalye ang DFA kung sino ang sinampahan ng reklamo.

Patuloy din ang legal assistance at iba pang tulong ng ahensya sa pamilya ng Pinay na si Constancia Lago Dayag, 47 anyos.

Si Dayag ay naiulat na inabuso bago pinatay at nilagyan pa ng pipino sa maselang bahagi ng katawan nito.

Nakatakda ang repatriation ng mga labi ni Dayag sa linggong ito.

Sinabi pa ng DFA na minamadali na nila ang paglalabas ng resulta ng forensic report.

Nangangamba ang mga kaanak ni Dayag na pwedeng palabasin na namatay ito sa natural na paraan.

TAGS: Constancia Lago Dayag, DFA, forensic report, inabuso, kuwait, nagsampa ng kaso, Pinay maid, Constancia Lago Dayag, DFA, forensic report, inabuso, kuwait, nagsampa ng kaso, Pinay maid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.