Registration ng ‘fake’ vinegar products babawiin ng FDA

By Rhommel Balasbas May 22, 2019 - 03:47 AM

Nais ng Food and Drug Administration (FDA) na bawiin ang certificates of product registration ng mga suka na gumagamit ng ‘synthetic acetic acid’.

Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ni FDA officer-in-charge Rolando Enrique Domingo na patuloy na sinusuri ng ahensya ang mga produktong suka.

Iginiit ni Domingo na bagaman hindi talagang mapanganib sa kalusugan ang synthetic acetic acid, ang mga brands na gumagamit ng naturang kemikal ay dapat mabawian ng kanilang product registration dahil sa misdeclaration.

“Synthetic acetic acid may not be harmful per se, but products using such chemicals shall have their registration with the FDA revoked for misdeclaration,” ani Domingo.

Ayon kay Domingo, batay sa FDA standards, ang suka ay isang natural product na dapat ay gawa sa natural raw materials at sumailalim sa natural process ng fermentation.

Kung ang produkto anya ay naglalaman ng artificial matter tulad ng synthetic acetic acid, ikinukonsidera itong adulterated.

Hindi pa pinangalanan ng FDA ang brands ng suka na gumagamit ng synthetic acetic acid.

TAGS: adulterated, artificial matter, bawiin, brands, certificates of product registration, fake vinegar, FDA, misdeclaration, natural process ng fermentation, natural raw materials, suka, synthetic Acetic Acid, adulterated, artificial matter, bawiin, brands, certificates of product registration, fake vinegar, FDA, misdeclaration, natural process ng fermentation, natural raw materials, suka, synthetic Acetic Acid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.