SMC magsusumite ng proposal para sa isang bagong pagkukunan ng tubig

By Rhommel Balasbas May 22, 2019 - 03:41 AM

Kinumpirma ni Ramon Ang, presidente ng San Miguel Corporation araw ng Martes na plano nilang magsumite sa gobyerno ng proposal para sa pagbuo ng isang bagong pagkukunan ng tubig.

Ang kumpirmasyon ni Ang ay ilang linggo matapos makaranas ng water shortage ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Sa sidelines ng annual Petron Corp. stockholders meeting, sinabi ni Ang na isusumite ang plano sa susunod na dalawang linggo.

Ang bagong water source anya ay may kapasidad na 3,800 million liters ng tubig.

“Magsa-submit ako ng unsolicited proposal within two weeks, a new water source of 3,800 million liters per day,” ani Ang.

Aabot anya sa P35 bilyon ang gastos sa pagbuo ng bagong pagkukunan ng tubig at P5 lamang kada litro ang magiging singil sa consumers.

Ani Ang, iba pa ito sa untapped allocation ng SMC mula sa Angat Dam.

Aabot anya sa limang taon ang konstruksyon ng bagong water source.

Hindi ibinigay ni Ang ang detalye kung saan bubuoin ang bagong water source upang hindi makopya ng iba.

TAGS: Angat Dam, bagong pagkukunan ng tubig., Ramon Ang, San Miguel Corporation, untapped allocation, water shortage, water source, Angat Dam, bagong pagkukunan ng tubig., Ramon Ang, San Miguel Corporation, untapped allocation, water shortage, water source

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.