Presyo ng LPG inaasahang bababa sa Hunyo

By Rhommel Balasbas May 22, 2019 - 02:24 AM

Bumagsak ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa pandaigdigang merkado.

Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng bawas-presyo sa cooking gas pagpasok ng Hunyo.

Hanggang kahapon, May 21, umabot sa $90 kada metriko tonelada ang nabawas sa presyo ng LPG o katumpas ng P5.20 kada kilo.

Gayunpaman, siyam na araw pa ang hihintayin bago malaman ang final contract price.

Positibo si South Pacific Inc. president at chief executive officer Jun Golingay na bababa talaga ang presyo ng LPG.

Inaasahan anyang nasa pagitan ng $70 at $90 ang ibababa ng contract price o sa pagitan ng P3.50 hanggang P5 kada kilo.

TAGS: Bawas-presyo, contract price, gaas, Hunyo, LPG, world market, Bawas-presyo, contract price, gaas, Hunyo, LPG, world market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.